22-wheeler truck tumagilid sa Ayala Bridge sa Maynila; 2 sugatan

Isang 22-wheeler truck ang tumagilid sa paanan ng Ayala Bridge sa Ayala Boulevard sa Maynila.

May kargang container van ang truck na puno ng mga softdrinks.

Mabuting hindi tumapon ang mga softdrinks na nasa loob ng container van.

Patawid sana ng Taft Avenue ang truck at patungo sa bahagi ng Finance Road nang maganap ang aksidente.

Bahagya namang nasugatan ang driver at pahinante ng truck na kapwa maayos na ngayon ang kondisyon.

Read more...