Joint exploration at exploitation sa WPS, unconstitutional ayon kay Carpio

INQUIRER File Photo

Iginiit ni Acting Chief Justice Antonio Carpio na ang pagkakaroon ng joint exploration at exploitation sa West Philippine Sea kasama ang China ay unconstitutional.

Ayon kay Carpio ito ay labag sa 1987 Constitution dahil nakasaad dito na ang na ang Pilipinas ay dapat na may tanging kontrol sa exploration at exploitation sa mga likas na yaman ng bansa.

Dahil sa joint exploration at exploitation ay mababawasan ang otoridad o kontrol ng bansa, kaya ito labas sa Konstitusiyon.

Samantala, ayon kay Carpio ang pagpayag sa partisipasyon ng China sa sinasabing exploration ng oil at gas sa pamamagitan ng mga service contracts ng Pilipinas ay maring pwede.

Matatandaang naging mainit ang nasabing isyu dahil sa pagpirma ng Pilipinas at China sa isang memorandum of understanding (MOU) sa oil and gas exploration sa West Philippine Sea.

Read more...