Usapang pangkapayapaan sa mga makakaliwang grupo, wala na ayon kay Duterte
Hindi na makikipag-usap ang pamahalaan sa komunistang grupong National Democratic Front of the Philippines (NDFP).
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, hindi na niya itutulak ang muling pakikipag-usap sa mga rebelde.
Sa kanyang talumpati sa groundbreaking ng bulk water supply project sa Barangay Gumalang, Baguio District sa Davao City, ay sinabi nito na gusto niyang magkaroon na ng full scale na giyera.
Aniya na magiging malaking kabiguaan para sa kanya kung hindi masusulusyunan ang problema sa mga rebelde.
Dagdag pa dito, ang pagresolba sa problema sa Abu Sayyaf sa kanyang termino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.