Pansamantalang pamumunuan ni National Housing Authority (NHA) General Manager Marcelino Escalada Jr. ang Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).
Papalitan nito ang nabakenteng puwesto ni dating HUDCC Secretary Geeral Falconi Millar sa ahensya.
Ayon sa Office of Executive Secretary, kasabay ng pamumuno ni Escalada sa NHA ay sabay niyang pansamantalang pangungunahan ang HUDCC.
Tinanggal ni Pangulong Duterte si Millar dahil sa umanoy isyu ng pangingikilkil nito sa isang kompanya.
MOST READ
LATEST STORIES