John Legend, ipinagtanggol si Rita Ora sa isyu ng lip-syncing

Ipinatanggol ni John Legend si Rita Ora sa pagbatikos ng publiko sa isyu ng lip-synching nito sa Macy’s Thanksgiving Day Parade sa New York City, USA.

Ayon kay Legend, lahat ng performers ay kinakailangan aniya mag-lip-synch dahil walang kakayahan ang mga floats na magdala ng mga sound requirements para sa isang live performance.

Kakantahain sana ni Ora ang kanyang kantang ‘Let Me Love You’ kung saan nakaranas ito ng problema sa kanyang earpiece.

Dahil dito nahirapan ang singer na marinig at masundana ng playback sa kanyang kanta.

Pinasalamatan ni Ora si Legend at sinabing lahat ng kanyang performance ay laging live.

Read more...