Rep. Albano, suportado ang provincial bus ban sa kahabaan ng EDSA

Nagpahayag ng suporta si Isabela Rep. Rodito Albano sa planong pagtanggal sa lahat ng provincial bus terminals sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA).

Sa isang panayam, sinabi ni Albano, na suportado niya ang hakbang na ito para mapaluwag ang Metro Manila.

“I support it because it will decongest Metro Manila,” ani Albano.

Kaugnay nito, nagsimula nang magpaalala ang MMDA sa mga provincial buses na alisin na ang kanilang mga terminal sa EDSA.

Ito ay dahil sa first quarter ng 2019 ay inaasahang tapos na ang konstruksyon ng mga ginagawang multi-bilyong pisong terminal sa Laguna at Valenzuela.

Ayon kay Michael Salalima, chief of staff ni MMDA General Manager Jojo Garcia, sakaling matapos na ang mga terminal sa Valenzuela at Laguna ay hindi na pwedeng magbaba at magsakay ng mga pasahero ang provincial buses sa EDSA.

Sa kasalukuyan ay mayroong 46 provincial bus terminals sa kahabaan ng EDSA.

Read more...