Paghahain ng Petition for Certiorari laban sa desisyon ng Makati RTC Branch 148 sa kaso ni Trillanes, inerekomenda ng DOJ

By Alvin Barcelona November 27, 2018 - 12:09 AM

Inirekomenda ng Department of Justice sa Office of the Solicitor General ang paghahain ng Petition for Certiorari sa mataas na korte laban sa desisyon ng Makati RTC Branch 148 sa kasong isinampa nito laban kay Senador Antonio Trillanes IV.

Kasunod ito ng pagbasura kamakailan ni Branch 148 Judge Andres Soriano sa kanilang motion for reconsideration na humihirit sa korte na baligtarin ang nauna nitong desisyon na huwag magpalabas ng warrant of arrest at huwag ilagay sa hold departure order ang senador.

Ang kaso ay may kinalaman sa kasong kudeta laban sa senador na binuhay ng DOJ.

Ang nasabing rekomendasyon ay ipinarating ni OIC Prosecutor General Richard Fadullon sa pamamagitan ng isang liham kay Solicitor General Calida.

Ayon kay Fadullon, nagpasya silang irekomenda ang Petition for Certiorari sa halip na ordinaryong apela o Appeal by CertiorarI dahil naniniwala sila na may grave abuse of authority sa panig ni Presiding Judge Soriano.

TAGS: Antonio Trillanes IV, department of justice, Makati RTC Branch 148, Office of the Solicitor General, Antonio Trillanes IV, department of justice, Makati RTC Branch 148, Office of the Solicitor General

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.