Pagpapalawig ng isang taon para magamit ang 2018 budget, lusot na sa Kamara
Aprubado na ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukala upang magamit pa sa 2019 ang pondo sa 2018 budget.
Sa botong 194 na yes at 6 na NO lumusot ang House Joint Resolution No. 32 na inihain ng mga lider ng Kamara sa pangunguna ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.
Nakasaad dito na maari pang gamitin ang pondo sa ilalim ng General Appropriations Act 2018 hanggang December 31, 2019 kabilang na ang maintenance and other operatimg expenses at capital outlay.
Iniisantabi nito ang isang taong validity ang pondo sa ilalim ng GAA 2018.
Sinasabi sa House Joint Resolution na maraming pondo sa ilalim ng 2018 budget ang hindi pa nagagamit kaya isinulong na mapalawig ito.
Ang pondo para sa rehabilitasyon ng Marawi at paggawa sa mga imprastraktura na nasira ng bagyo ay kabilang dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.