Mga obispo na masasangkot sa ilegal na droga, pupugutan ng ulo ni Pangulong Duterte

By Chona Yu November 27, 2018 - 12:05 AM

“Pupugutan ko kayo ng ulo.”

Ito ang naging banta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga obispo na masasangkot sa ilegal na droga.

Ayon sa pangulo, hindi niya sasantuhin ang mga obispo kapag sinira nito ang kinabukasan ng mga Pilipino.

Kasabay nito, pinagduduhan ni Pangulong Duterte si Caloocan Bishop Pablo Virgilio “Ambo” David kung sangkot din ito
sa ilegal na droga.

Ipinagtataka ng pangulo kung bakit paikot ikot tuwing gabi si david.

Una rito, inakusahan ng pangulo si David na panay kolekta ng mga offering gaya ng prutas at ibinibigay sa kanyang
pamilya.

Pero tugon ni David walang katotohanan ang mga akusasyon ng pangulo at sinabing intindihin na lamang ang punong
ehekutibo dahil isa siyang sickman.

Bwelta pa ng pangulo sa mga obispo, sangkot ang kanilang hanay sa korupsyon habang ang iba ay may kabit na babae.

TAGS: Pablo Virgilio “Ambo” David, Rodrigo Duterte, Pablo Virgilio “Ambo” David, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.