Isa pang Undersecretary, sisibakin ni Pangulong Duterte

May susunod pa kay dating Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) Secretary General Falconi Millar.

Sa talumpati ng pangulo sa groundbreaking ng Davao City Bulk Water Supply Project sa Davao City, sinabi nito na isa
pang Undersecretary ang kanyang sisibakin sa puwesto dahil sa korapsyon.

Ayon sa pangulo, gagawin niya ang pagsibak pagbalik ng Maynila.

Gayunman, hindi na tinukoy ng pangulo kung sinong Undersecretary at kung saang ahensya ang kanyang sisipain sa
puwesto.

Read more...