Bagong insidente ng harassment sa Panatag Shoal, inaaksyunan na ng gobyerno ayon sa Malakanyang

By Chona Yu November 27, 2018 - 12:03 AM

Iniimbestigahan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang panibagong insidente ng harasment ng Chinese coast
guard sa crew ng GMA 7 sa Panatag Shoal.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, magpapadala ng liham ang DFA sa China para alamin kung
mayroong polisiya ang Chinese coast guard na hindi hahayaan ang mga kagawad ng media ng Pilipinas na
makapagsagawa ng interview sa mga Pilipinong mangingisda na pumapalaot sa Panatag Shoal.

Sinabi pa ni Panelo na tinanong na rin niya si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua kung may ganitong
polisiya subalit sinabi nitong wala siyang alam.

Pinayuhan din ni Panelo ang GMA 7 na gumawa ng liham sa gobyerno para maaksyunan ng maayos.

Sinabi pa ni Panelo, may nakalatag na mechanism for negotiation at code of conduct ang ASEAN countries para hindi
maging magulo sa lugar.

TAGS: DFA, GMA 7, Panatag shoal, DFA, GMA 7, Panatag shoal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.