Hindi kuntento si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa ginagawang hakbang ng administrasyon upang bumaba ang inflation.
Sa isang lunch meeting ni Speaker GMA kasama ang mga reporter ng Kamara, sinabi nito na kailangang paigtingin ng ehekutibo ang pagpapatupad ng mga economic laws.
Paliwanag ng pinuno ng Kamara, nagawa na nila ang kanilang trabaho upang ipasa ang mga legislative agenda ng administrasyon.
Panahon na anya upang tutukan ng pamahalaan ang pagpapatupad ng mga polisiya na kapaki pakinabang sa publiko sa natitirang mahigit tatlong taon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Siniguro din ni GMA na nakahanda sila sa Kamara upang tumulong sa mga ahensya ng pamahalaan sa pamamagitan ng kanilang oversight functions.
MOST READ
LATEST STORIES