Carpio hindi aalisin ng Malacañang sa mga nominado bilang chief justice

By Chona Yu November 26, 2018 - 08:12 PM

Inquirer file photo

Tiniyak ng Malacañang na hindi makaka-apekto sa pagpili ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa susunod na chief justice ang paninindigan ni acting Chief Justice Antonio Carpio sa isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Ito ay kahit na magkaiba ang pananaw nina Carpio at Duterte sa isyu ng West Philippine Sea.

Nanindigan si Carpio na dapat nang ipatupad ng Pilipinas ang ruling ng permanent court of arbitration na pag-aari ng Pilipinas ang West Philippine Sea bagay na isinasantabi na muna ng pangulo at hinahayaan ang China na magtayo ng mga artificial island.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, makailang beses nang naglagay ng mga hindi kaalyadong pwesto sa gobyerno ang pangulo kahit na ito ay kanyang mga kritiko.

“Also those members of the Cabinet coming from the Left, attacking the President and yet they were appointed. So I don’t think you can derive a conclusion that just because someone is a critic of the administration you cannot be appointed,” dagdag pa ng kalihim.

Inihalimbawa pa ni Panelo si dating Spokesman Harry Roque na panay banat noon sa pangulo subalit itinalaga bilang kanyang tagapagsalita.

Base sa isinumiteng shortlist ng Judicial and Bar Council, nangunguna sa listahan si Carpio na posibleng pumalit sa puwesto ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Una nang sinabi ng pangulo na seniority ang kanyang magiging basehan sa pagpili ng susunod na punong mahistrado.

 

TAGS: antonio carpio, Chief justice, duterte, Judicial and Bar Council, Supreme Court, antonio carpio, Chief justice, duterte, Judicial and Bar Council, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.