CPP-NPA hinamon na maging tapat sa usapan kung gusto ng kapayapaan

“Kung ayaw nyo eh di huwag…kung gusto nyo ng giyera eh di giyera!

Ito ang naging sagot ng Malacañang sa pagtanggi ni Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison na tugunan ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumalangkas ng draft para sa usaping pangkapayapaan.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, malinaw ang paninindigan ng pangulo na hindi pa rin niya tuluyang isinasara ang pintuan para tuldukan ang rebelyon ng komunistang grupo.

Nakahanda aniya ang gobyerno na tapatan kung nais pa rin ng grupo ni Sison na ipagpatuloy ang pakikipag-giyera.

Nanatili din aniya ang hamon ng pangulo sa komunistang grupo na maging sinsero sa pakikipag usap sa gobyerno.

Hindi naman aniya maari na habang umuusad ang pag- uusap ay patuloy ang pananambang ng komunistang grupo sa tropa ng pamahalaan.

Naunda dito ay sinabi ng pangulo na kukunin rin niya ang sintemyento ng militar kung gusto ba nila o hindi na ituloy ang peace process sa komunistang grupo.

Read more...