Pilipinas hindi mababaon sa utang sa China ayon sa DOF
Nilinaw ng Department of Finance (DOF) na walang dapat ikabahala ang publiko kaugnay sa mga pautang na iginawad sa atin ng bansang China.
Sa kanyang pagsasalita sa Sulong Pilipinas 2018 business forum sa Clark, sinabi ni Finance Sec. Carlos Dominguez na walang basehan ang mga alegasyon na baon na sa utang sa China ang bansa.
Sa kabuuan ay nasa 0.11 percent lamang ng kabuuang foreign debt ang utang ng bansa sa China ayon sa kalihim.
Ikinatwiran ng kalihim na kalkulado ang bawat utang na inihihirit ng bansa sa mga foreign debtors dahil batid nila na ang mga taxpayers rin naman ang magbabayad nito.
Tiniyak pa ng opisyal na magagamit sa tama ang mga inutang sa China partikular na sa mga infrastructure projects ng pamahalaan.
Sa ilalim ng Duterte administration ay nakapagsara na ng dalawang debt deal ang pamahalaan sa China.
Kabilang dito ang $72.49 Million na nakalaan para sa Chico River Irrigation project at P18.724 Billion para sa New Centennial Water Source-Kaliwa Dam Project.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.