“Spectrum management” kailangan para sa 3rd telco player

By Ricky Brozas November 26, 2018 - 12:19 PM

“Transparent, objective at successful”

Ganito isinalarawan ng democracy.net.ph, isang ICT (Information and Communications Technology) advocacy group ang pagkakapili sa Mislatel consortium bilang 3rd Telecommunications player sa Pilipinas.

Sa panayam ng Radyo Inquirer at Inquirer 990 Television kay Engineer Pierre Galla, co-founder ng democracy.net.ph, sinabi nitong ang hinihintay na lamang nila ngayon ay mag-comply o sumunod ang Mislatel sa mga rekisito na hinihingi ng batas para makapag-operate.

Sinagot naman ni Galla ang isyu hinggil sa planong paglulunsad ng kumpanyang Kacific ng satellite link sa Sear Telecom sa pagsasabing hindi basta-basta at madali ang ganoong proseso.

Sa katunayan ay nakaiwas pa nga si dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson ng P27 Bilyon.

Paliwanag ni Galla, iyon kasi ang halaga ng performance bond na hinihingi ng batas para sa kanyang frequencies at certificate of public convenience and necessity para sa unang taon pa lamang kung tuluyan nitong isasakatuparan ang paglulunsad ng “satellite”.

Dahil dito natulungan pa aniya si Singson ng DICT (Department of Information and Communications Technology) para makatipid.

“Even it is launch already that doesn’t mean na it’s to operate, if it had not operated in 2019 the governor will lost already P27B” ayon kay Galla.

Maliban dito sinabi ni Galla, na ang Ka-frequency ay “very sensitive” sa ulan o delikado sa tinatawag na “rain attenuation “ o humihina at nawawala ang signal kapag umuulan.

Sa larangan aniya ng komunikasyon ay kailangan maasahan ang mabilis na internet connection at hindi dapat pumapalya.

Maliban dito, hindi rin umano realistic ang pangako ng Sear na 55Mbps na speed commitment nito para sa unang taon ng kanilang operasyon ito ay dahil 22 subscribers lamang ang makukuha nila sa buong bansa.

Sa pagkakapili ng NTC at DICT sa Mislatel sinabi ni Galla na magkaroon ng spectrum management.

“So by making spectrum management fair, isang way din yan para atleast ma-require sila lahat ng mga players na gumawa ng infrastructure. Itong third telco kung gusto niyang maging successful kailangan niya talaga maging disruptor di, not just costs but more importantly service quality, coverage, yung value for money para sa ating mga kababayan. Well tayo consumers we don’t necessarily need to support the 3rd telco itself nasa atin yan kung magugustuhan natin ang mga serbisyo at offers nila, but para sa ating mga consumers i-encourage natin yung government to open the competition space,” pagtatapos ni Galla.

 

TAGS: 3rd telco, BUsiness, mislatel, 3rd telco, BUsiness, mislatel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.