Bagyong Tomas patuloy na humihina

Patuloy na humihina ang bagyong Tomas habang ito ay nananatili sa kagaratang sakop ng Northern portion ng bansa.

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,195 kilometers East ng Aparri, Cagayan.

Taglay na lang nito ang lakas ng hanging aabot sa 90 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers per hour sa direksyong west northwest.

Ayon sa Pagasa, sa susunod na 6 hanggang 12 oras ay hihina pa ang bagyo at magiging isang tropical storm na lamang.

Hindi rin ito inaasahang tatama sa kalupaan at walang direktang epekto sa bansa.

Read more...