African na nagpanggap na Guatemalan, arestado sa NAIA

By Ricky Brozas November 26, 2018 - 10:45 AM

INQUIRER PHOTO

Inaresto ng mga immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang African woman na nagtangka umanong umalis ng bansa patungo ng Europe at nagpanggap bilang isang Guatemalan.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente, nagpakilala ang dayuhan bilang si Desiree Dalila Sanchez na naharang sa NAIA Terminal 1.

Papasakay na sana ang dayuhan ng China Airlines na patungo ng Frankfurt, Germany ng maharang siya ng mga mga tauhan ng BI travel control and enforcement unit.

Ito ay makaraang matuklasan na peke pala ang hawak niyang pasaporte matpaos mapuna na kakaiba ang itsura ng biographical page ng passport.

Kalaunan ay umamin din ang pasahero na ang pareho niyang mga magulang ay mula sa Cameroon sa Central Africa.

Ang pagkakadiskubre kay Sanchez ang pinakahuli sa serye ng mga nahaharang ng BI na mga illegal alien na nagtatangka na gamitin ang Pilipinas bilang transit point patungo sa mga first world countries.
Nakakulong na ang dayuhan sa BI detention facility sa Bicutan, Taguig at siya ay mahaharap sa kasong paglabag sa immigration law.

TAGS: bureau of immigration, Radyo Inquirer, bureau of immigration, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.