Ilang lugar sa Metro Manila 5 hanggang 8 oras mawawalan ng suplay ng tubig
Makararanas ng water interruption ng ilang lugar sa Metro Manila mula alas 10:00 ng gabi ng Miyerkules, November 11.
Sa abiso ng Manila Water Corp. sa ilang lugar ay tatagal ng lima hanggang walong oras ang water interruption.
Kabilang sa mga apektadong lugar ang mga sumusunod:
• Quezon City
– Bahagi ng Culiat at Pasong Tamo – mula 10 p.m. ng Nov. 11 hanggang 3:15 a.m. ng Nov. 12.
Ayon sa Manila Water, ang pagsasagawa ng Step Testing sa kahabaan ng Casanova Street, Gloria 3 ang dahilan ng interruption.
• Taguig
– Bahagi ng Bagumbayan – mula 10 p.m. ng Nov. 11 hanggang 4 a.m. ng Nov. 12.
Dahil naman sa isasagawang Pipe Maintenance work sa kahabaan ng Carlo Drive, Sta. Maria Estate kaya magpapatupad ng interruption sa suplay ng tubig.
• Mandaluyong
– Bahagi ng Bagong Silang, Hagdang Bato Libis, at Daang Bakal – mula 10 p.m. ng Nov. 11 hanggang 6 a.m. ng Nov. 12.
Ang interruption sa Madaluyong ay dahil naman sa isasagawang Valve Replacement sa Kalentong kanto ng P. Martinez at Kalentong kanto ng Haig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.