Substitution ng kandidato hanggang sa Huwebes na lang tatanggapin ng Comelec

By Dona Dominguez-Cargullo November 26, 2018 - 09:38 AM

Nagpaalala ang Commission on Elections na sa Huwebes na, November 29 ang deadline para sa substitution ng kandidato.

Sa abiso ng Comelec, hanggang November 29 na lang sila tatanggap ng substitution para sa official candidate ng isang political party o koalisyon.

Kabilang sa pwedeng i-substitute ay ang kandidato na nag-withdraw, nasawi o na-disqualify.

Sinabi ng Comelec na kailangang itakda ang nasabing deadline para ang pangalan ng substitute na kandidato ay mai-imprenta sa official ballot.

Pagkatapos ng Nov. 29 deadline sinabi ng Comelec na pwede pa ring palitan ang isang kandidato ng kapareho niya ang apilyido hanggang sa midday ng eleksyon.

TAGS: comelec, commission on elections, substitution of candidate, comelec, commission on elections, substitution of candidate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.