2 retiradong pulis patay sa pananambang sa Talisay City, Cebu

By Dona Dominguez-Cargullo November 26, 2018 - 09:24 AM

CDN Photo | Benjie Talisic

Nasawi matapos pagbabarilin ng hindi pa nakilalang salarin ang dalawang retiradong pulis sa Barangay Tabunoc, Linggo ng gabi.

Sakay ng motorsiklo sina Edgar Causon at Ferdinand Navales na papauwi na sana galing sa kapihan.

Sinabi ni Chief Insp. Ardy Cabagnot, deputy chief ng Talisay police, si Causon ang unang binaril ng suspek kaya hinala ng mga otoridad maaring ito ang totoong target ng pananambang.

Pero bumunot ng baril si Navales para gantihan sana ang mga salarin kaya maging siya ay binaril.

Ang dalawa ay kapwa dating naitalaga sa PNP region 7 at nagretiro noong 2017.

Sa Pardo Police Station sa Cebu City huling nadestino si Causon at si Navales naman ay sa provincial intelligence branch.

Hinala ni Cabagnot, personal ang posibleng motibo sa pamamaril.

Inaalam na ng pulisya kung mayroong CCTV sa lugar partikular ang kalapit na supermaket.

TAGS: ambush, former police, Radyo Inquirer, Talisay City, ambush, former police, Radyo Inquirer, Talisay City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.