Pagsuspinde sa excise tax sa oil products isinusulong pa rin sa Kamara

By Erwin Aguilon November 26, 2018 - 08:51 AM

Inquirer file photo

Sa kabila ng sunud-sunod na rollback sa presyo ng gasolina, isinusulong pa rin ni Marikina Rep. Miro Quimbo ang pagsuspinde sa excise taxes na dulot ng Tax Reform for Acceleration and INclusion o TRAIN law sa mga produktong petrolyo.

Ayon kay Quimbo, bagamat welcome ang desisyon ng Malakanyang na aprubahan ang rekomendasyon ng mga economics managers na suspindihin ang ikalawang round ng increase ng excise tax rates sa mga petroleum products na nakatakdang ipatupad sa susunod na taon, subalit hindi pa rin umano ito sapat.

Giit ng kongresista ang kailangan umanong gawin ay tanggalin lahat ng tax sa diesel at kerosene at ibalik ang sitwasyon na umiiral bago ipasa ang TRAIN.

Nauna nang naghain si Quimbo ng House bill 8171 na naglalayong ibasura ang ipinapatupad na excise tax sa kerosene at diesel sa ilalim ng TRAIN law at otomatiko na rin suspendihin ang iba pang produktong petrolyo.

Layon ng panukala na solusyunan ang tumataas na inflation sa bansa na epekto ng TRAIN Law dahil sa pagpapataw ng excise tax sa kerosene at diesel na dalawang produkto kung saan umano aka depende ang mga mahihirap.

NIlinaw naman ni Quimbo na sa kabila ng suspensyon sa ikalawang trance ng excise tax increase sa fuel products, itutuloy pa rin niya ang isinusulong na panukala para maaprubahan ito dahil sa kahit na nagbaba na ng presyo ng langis worlwide ay hindi pa rin umano maalis ang pagkakaroon ng panibagong tax na ini=impose ng TRAIN 1 sa gasolina.

Sa ilalim ng TRAIN law, P2.50 kada litre ng excise tax ang itataas sa diesel gayundin sa gasolina na P7.00 kada litro.

TAGS: excise tax, oil products, train law, excise tax, oil products, train law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.