Isang daang porsyento nang kontrolado ang wildfire sa California.
Sa pinakahuling datos ng state fire officials, 85 ang nasawi sa nasabing sunog at 249 ang nawawala pa.
Dahil sa Camp Fire na nagsimula noon pang November 8, umabot sa 14,000 na mga bahay ang nasunog, at naapektuhan nito ang aabot sa 62,000 na ektarya.
Sasamantalahin ng mga otoridad ang magandang panahon para mahanap ang mga nawawala pa.
Simula kasi sa Martes, posibleng makaranas ng pag-ulan sa Sierra Nevada.
Kapag nakaranas na ng pag-ulan ay maari itong magdulot ng mudslides sa apektadong lugar.
MOST READ
LATEST STORIES