MTRCB magdaraos ng 3rd Family and Child Summit

By Dona Dominguez-Cargullo November 11, 2015 - 10:35 AM

12212561_10206740190238530_1082237566_nSesentro sa kabataan ang ikatlong Family and Child Summit (FCS3) ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na isasagawa sa Sabado, November 14.

Ang nasabing aktibidad na may temang “Matalinong Panonood Para sa Kabataan,” ay gaganapin sa St. Mary’s College sa Quezon City alas 9:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

Tatalakayin sa FCS3 ang audience-sensitivity at age-appropriateness sa mga panoorin na nakikita ng mga kabataan.

Tinatayang nasa 700 kabataan mula sa iba’t-ibang kolehiyo at unibersidad ang dadalo sa dayalogo na dadaluhan din ng mga celebrity mula sa mga tv networks na magsisilbing hosts, moderators, at performers.

Lalahok din sa nasabing aktibidad ang mga guro mula sa Philippine Association of Communication Educators (PACE).

Kabilang sa mga magbibigay ng pahayag sina Sec. Bro. Armin Luistro ng Department of Education (DepEd), Nicco De Jesus, Presidente ng Marketing and Opinion Research Society of the Philippines (MORES), at si Sr. Consolata Manding, FSP, Directress ng Pauline Institute for Communication in Asia (PICA).

Guest panelists naman sina renowned economist, educator, at dating Commissioner ng 1987 Constitutional Commission Dr. Bernardo Villegas, Ms. Josa Marie Salazar ng National Council for Children’s Television (NCCT), at ang aktres na sina Yayo Aguila at Danica Sotto-Pingris kasama ang kanilang mga anak gayundin si MTRCB Board Member Bibeth Orteza at anak na si Rafa Siguion-Reyna.

Magsisilbing hosts sa aktibidad sina Robi Domingo at Bianca Umali, at moderators naman sina Suzie Entrata-Abrera, Niña Corpus, Pia Arcangel, at Ginger Conojero.

Nakatakdang mag-perform sa event ang The Voice Kids, Climax Band, at ang cast members ng Pinoy contemporary musical Rak of Aegis.

Ayon kay MTRCB Chairman Eugenio “Toto” Villareal, patuloy ang pagganap ng MTRCB sa tungkulin nitong magsilbing tulay para lubos na maunawaan kahalagahan ng media at ang pagbibigay kaalaman sa mga kabataan hinggil sa tamang “values”.

Ang mga kaganapan sa FCS3 ay mapapanood sa special airing ng MTRCB Uncut sa telebisyon sa November 22, mula alas 7:00 ng gabi hanggang alas 8:00 ng gabi sa Net 25. At tatalakayin din sa MTRCB Uncut sa Radyo Inquirer (AM 990 kHz) sa November 23 mula alas 2:00 hanggang alas 3:00 ng hapon.

TAGS: MTRCB to conduct Family and Child Summit, MTRCB to conduct Family and Child Summit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.