Big-time rollback ng mga kumpanya ng langis epektibo ngayong araw at bukas

By Dona Dominguez-Cargullo November 26, 2018 - 06:18 AM

Epektibo ngayong araw ang bawas sa presyo ng produktong petrolyo ng kumpanyang Jetti.

Sa abiso ng Jetti, alas 6:00 ng umaga epektibo ang P2.30 bawat litro na bawas sa presyo ng kanilang diesel at P1.10 sa bawat litro ng gasolina.

Ang iba pang kumpanya, may parehong halaga ng rollback sa kanilang produktong petrolyo bukas.

Unang magpapatupad ng rollback ang Caltex, alas 12:01 ng madaling araw. Habang ang iba pang kumpanya gaya ng Shell, PTT Philippines Petro Gazz, at Total ay alas 6:00 ng umaga ang rollback.

Una nang nagpatupad ng rollback ang kumpanyang Phoenix Petroleum Philippines noong tanghali ng Sabado habang ang Seaoil naman ay alas 6:00 ng umaga naging epektibo ang rollback.

TAGS: oil price, Radyo Inquirer, rollback, oil price, Radyo Inquirer, rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.