Pagbabawal sa mga pulis sa casino tiniyak ng PNP

By Justinne Punsalang November 26, 2018 - 03:21 AM

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na mahigpit nilang ipatutupad ang polisiyang nagbabawal sa mga pulis sa loob ng mga casino, pasugalan, at iba pang mga lugar na mayroong hindi magandang reputasyon.

Sa isang pahayag, sinabi ni PNP spokesperson Police Chief Superintendent Benigno Durana, Jr. na bilang mga manggagawa ng gobyerno, ang mga pulis ay dapat sumunod sa Code of Conduct at Ethical Standards for Public Officials, gaya ng nakasaad sa Republic Act 6713.

Sa ilalim ng naturang batas, nakasaad na mayroong mga panuntunan na dapat sundin ang mga empleyado ng pamahalaan upang mapanatili ang mataas na kalidad ng ethics sa serbisyo publiko.

Dagdag ni Durana, nakasaad din sa Presidential Decrees 1067-B at 1869 na bumuo sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) na ipinagbabawal para sa mga government officials, mga unipormadong kawani ng pamahalaan, mag-aaral, at mga menor de edad na magsugal sa mga casino.

Ang naturang pahayag ay bilang pagsunod aniya sa Memorandum Circular 6 na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea noong 2016.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.