Pilipinas at Japan nagsagawa ng joint coast guard exercise sa Manila Bay

By Justinne Punsalang November 26, 2018 - 02:40 AM

Philippine Coast Guard

Isang multilateral combined exercise ang isinagawa ng Philippine Coast Guard (PCG), Japan Coast Guard (JCG), at Regional Cooperation Agreement on Combating Piracy and Armed Robbery against Ships Information Sharing Centre (ReCAAP ISC) sa Manila Bay kahapon ng umaga.

Ayon sa PCG, kabilang sa mga drills na ginawa ang counter-piracy exercise, firefighting with rescuing exercise, at water spray and farewell exercise.

Para sa exercises, nagsagawa ng mock hijacking kung saan kinailangang arestuhin ang mga taong sakay nito.

Kabilang sa mga sasakyang pandagat ng PCG na nakiisa sa exercises ang BRP Suluan, BRP Panglao, BRP Boracay, dalawang Rigid Hull Inflatable Boats, at ang JCG Echigo patrol vessel na sakay ang Helicopter Sikorsky.

Ang naturang exercise ay nagsilbing culminating activity bago bumalik ang Echigo sa Niigata Center sa Hokuriku Region, Japan.

Ayon kay Captain Armand Balilo na siyang tagapagsalita ng Coast Guard, mahalaga ang joint exercise dahil sa kanilang hawak na datos, 13,000 mga foreign vessels ang dumadaan sa Sibutu Channel sa Mindanao at kailangang maging handa ang kanilang hanay sa posibilidad ng pamimirata sa lugar.

Aniya, ang kawalan ng insidente ng pamimirata sa katimugang bahagi ng Mindanao ay dahil sa pinaigting na pagpapatrolya ng Coast Guard at Philippine Navy.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.