Isang mall sa Davao City ang tinupok ng apoy Linggo ng gabi.
Ayon sa Central 911 emergency service, sumiklab ang apoy sa Gaisano Mall of Davao alas-8:15 kagabi ngunit agad din namang idineklarang under control makalipas ang ilang minuto.
Nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng shopping center sa kasagsagan ng shopping hours.
Maswerte namang walang nasaktan sa insidente sa pagtulong ng mall personnel sa pagpapalikas sa mga mamimili.
Patuloy na iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi ng sunog.
Ito na ang ikalawang insidente ng pagkasunog ng mall sa Davao City sa taong ito.
Matatandaang noong Setyembre, isang bagong branch ng New City Commercial Center (NCCC) Mall sa Buhangin district.
Noong December 23, 2017 naman ay nasunog din ang branch ng NCCC Mall sa Maa, Davao City na ikinasawi ng 38 katao na karamihan ay business process outsourcing (BPO) workers.