Bomba natagpuan sa abandunadong kubo sa Maguindanao

Napigilan ng mga militar ang pagsabog ng isang bomba sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ayon sa mga otoridad, isang pampasabog ang nakita ng mga residente sa isang abandunadong kubo na nakatayo sa highway sa naturang lugar.

Mahigit isang oras na isinara sa mga motorista ang highway upang bigyang daan ang pag-deactivate sa bomba.

Nabatid na kaya itong pasabugin gamit ang isang cellphone mula sa malayong lugar.

Bagaman patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa kung sino ang nagtanim ng bomba, pinaniniwalaang mga Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nasa likod ng tangkang pagpapasabog.

Read more...