Janella Salvador at ama nag-jamming sa mga awitin ng Queen

By Justinne Punsalang November 26, 2018 - 12:34 AM

Janella Salvador

Nagsama sa isang stage si Janella Salvador at kanyang ama na si Juan Miguel Salvador para sa isang mini-concert.

Sa latest Instagram post ng Kapamilya actress, ibinahagi nito ang patikim sa kanilang jamming ng ama sa Strumm’s Makati kung saan madalas magtanghal ang banda ni Juan Miguel na Authority.

Kinanta ng dalawa ang medley ng mga awitin ng Queen gaya ng ‘Another One Bites the Dust,’ ‘We Will Rock You,’ ‘Bohemian Rhapsody’ at marami pang iba.

Sa caption ng post ni Janella, ibinahagi nito na hindi siya makapaniwala sa pagkakataong maka-duet ang kanyang ama sa unang pagkakataon.

Mapapanood sa video ang saya ng mag-ama sa pambihirang pagkakataon na magka-duet.

Mangilang beses pang hinimok ni Juan Miguel ang audience na palakpakan ang anak habang kumakanta ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.