Typhoon Tomas bahagyang humina

By Justinne Punsalang November 26, 2018 - 12:31 AM

Nananatiling nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang typhoon Tomas.

Sa latest weather advisory mula sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 1,445 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan.

Mabagal ang paggalaw ang paggalaw ng bagyo at inaasahan itong muling papasok sa bansa sa loob ng anim hanggang 12 oras.

May dalang 130 kilometro bawat oras malapit sa gitna na hangin ang bagyo, at pagbugsong aabot sa 160 kilometro bawat oras.

Bagaman hindi ito inaasahang tatama sa kalupaan ng bansa at wala itong direktang epekto sa alinmang bahagi ng Pilipinas sa ngayon, nagbabala ang PAGASA na mapanganib ang paglalayag sa karagatang sakop ng hilagang bahagi ng Northern Luzon, maging sa eastern seaboard ng Lizon at Visayas dulot ng Northeast Monsoon o hanging Amihan.

Inaasahang tuluyan nang aalis ng bansa at lalayo ang bagyo sa Miyerkules ng gabi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.