Pagpapadala ng karagdagang sundalo sa Samar, Negros at Bicol, welcome kay VP Robredo

Welcome para kay Vice President Leni Robredo ang naging pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpadala ng karagdagang tropa ng sundalo sa Samar, Negros at Bicol region.

Ito ay para matugunan ang lawless violence sa tatlong nabanggit na lugar.

Pero ayon kay Robredo, kinakailangan na maging maingat ang gobyerno sa pangambang matakot ang taong bayan.

Ayon kay Robredo, nangangamba ang ilan na maaring magamit ito para magdeklara ng martial law ang pangulo sa buong bansa.

Read more...