Ex-Customs Chief Lapeña, kinasuhan ng libel ang dating tauhan na si Mangaoang

Sinampahan ng kasong libel ni dating Customs Chief Isidro Lapeña ang kanyang dating tauhan na si Deputy Collector Lourdes Mangaoang.

Ito ay dahil sa pagdadawit ni Mangaoang kay Lapeña sa P6.8B shabu shipment.

Inihain ni Lapeña ang kaso noong Biyernes sa Taguig City Prosecutors Office.

Ayon kay Lapeña, slander at libel ang ginawa ni Mangaoang sa kanyang pagkatao dahil idinawit siya sa shabu shipment gayung wala namang matibay na ebidensya.

Nilabag din aniya ni Mangaoang ang Cybercrime Prevention Act of 2012 dahil sa mga pahayag na ibinigay sa media.

Matatandaang inilipat ni Pangulong Rodrigo Duterte si Lapeña sa TESDA matapos malusutan ng shabu shipment.

Read more...