Bagyong Tomas, napanatili ang lakas habang nasa labas ng PAR
Napanatili ng bagyong tomas ang lakas ng hangin na 145 kilometers per hour malapit sa gitna at may pagbugso na 180 kiloemeters per hour.
Base sa advisory ng PAGASA ngayong alas onse ng umaga, patuloy na bumabagal ang kilos ng bagyo sa direksyon na southwestward.
Namataan ang bagyo sa 1,505 kiloemeters eas ng Aparri, Cagayan.
Bagamat nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR), inaasahang babalik sa Pilipinas ang bagyo sa susunod na labing dalawa hanggang labing walong oras.
Pero ayon sa PAGASA hindi naman inaasahan na magla-landfall ang bagyo at walang direktang epekto sa bansa.
Nagbabala ang PAGASA na masyadong mapanganib na pumalaot sa seaboards o karagatan ng Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas dahil sa malakas na alon dulot ng northeast monsoon.
Wala namang nakataas na Tropical Cyclone Warning Signal sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.