2 terrorist attacks sa Pakistan, kinundena ng Pilipinas

Kinundena ng Pilipinas ang dalawang terrorist attack na naganap sa Pakistan.

Sa inilabas na pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), kinundena nito ang nangyaring terrorist attack noong November 23 sa Chinese Consulate in Karachi at sa open air market in Orakzai sa nasabing bansa.

Bukod dito ay nakiramay din ang Pilipinas sa mga pamilya ng mga nasawi sa ginawang pag-atake.

Nakikiisa din ang bansa sa pagkundena sa lahat ng uri ng karahasan.

Nanatili din na handa ang bansa na makiisa sa international community para mapigilan at labanan ang banta ng terorismo.

Sa kasalukuyan, wala pang ulat na may Pilipino na nadamay sa insidente.

Read more...