Nasa P300,000 halaga ng party drugs, nakumpiska sa QC

INQUIRER file photo

Nasabat ng mga operatiba ng Manila Police District Station 5 ang tinatayang nasa P321,000 na party drugs sa isang gasolinahan sa Katipunan Avenue, Quezon City.

Nagkasa ng buy bust operation ang drug enforcement unit ng Station 5 na nagresulta sa pagkakaaresto ng apat na suspek.

Umabot sa 208 capsule ng party drugs at dalawang sachet ng hinihinalang cocaine ang nakumpiska.

Ayon sa mga awtoridad, nakikipagtransaksyon ang mga suspek sa pamamagitan ng pakikipagchat target ang mga mayayamang kabataan.

Bukod sa droga, nasamsam din ang apat na cellphone at tatlong sasakyan ng mga suspek.

Read more...