Bagyong Tomas, halos hindi gumagalaw; posible pa ring pumasok muli ng PAR
Patuloy na binabantayan ang Bagyong Tomas o Typhoon ‘Man-yi’ na lumabas ng bansa kahapon.
Sa 4am weather update ng PAGASA, huling namataan ang Bagyong Tomas sa layong 1,525 kilometro Silangan ng Aparri, Cagayan.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 145 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 180 kilometro kada oras.
Sa kasalukuyan ay halos hindi gumagalaw sa pwesto ang bagyo at malaki pa rin ang posibilidad na muli itong pumasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ngayong araw, nakaapekto ang hanging Amihan sa Hilagang Luzon na magdadala ng maulap na kalangitan na magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan sa Cagayan Valley.
Sa Ilocos Region at Cordillera Administrative Region naman ay makararanas ng pulo-pulong pag-ulan.
Sa nalalabing bahagi ng bansa kabilang na ang Metro Manila ay inaasahan ang maaliwalas na panahon na may posibilidad lamang ng mga pag-ulan na dulot ng localized thunderstorms.
Samantala, dahil sa epekto ng Amihan, ipinagbabawal ang paglalayag sa northern seaboards ng Northern Luzon at eastern seabords ng buong Luzon at Visayas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.