Ilang araw na pag-ulan nakatulong sa pag-apula sa California wildfires

By Rhommel Balasbas November 25, 2018 - 06:05 AM

Halos maapula na ang malawak na wildfires sa California matapos ang ilang araw na walang tigil na buhos ng ulan.

Ito na ang itinuturing na ‘deadliest’ wildfire sa kasaysayan ng California at maging ng buong Estados Unidos kung saan 84 na ang naitatalang nasawi at 475 ang nasa listahan ng mga napaulat na nawawala.

Sa pagtigil ng ulan kahapon araw ng Sabado, ipinagpatuloy ng mga rescuers ang paghahanap kung saan nagresulta ang pag-ulan sa maputik nang kakahuyan.

Sa ulan ng California Department of Forestry and Fire Protection, tinupok ng wildfires ang nasa 19,000 imprastratkura kung saan karamihan ay mga kabahayan.

Dahil sa pag-ulan ay umabot na sa 95 percent ang naaapula sa kabuuang apoy.

Ayon sa search volunteer na si Chris Stevens, kahit pa nagresulta sa sobrang lamig na klima ang ulan, hindi nito nabago ang kagustuhan ng mga katulad niyang rescuers na makatulong sa mga mamamayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.