Zamboanga City, nagliwanag sa pagsisimula ng ‘Pascua na Zamboanga 2018’

By Rhommel Balasbas November 25, 2018 - 04:20 AM

Courtesy of City Hall Public Information office

Libu-libong residente ang nakilahok sa switch-on ceremony ng light display ng Zamboanga City Hall at iba pang landmarks ng lungsod.

Ito ay hudyat ng pagsisimula ng ‘Pascua na Zamboanga 2018’.

Pinangunahan ni Mayor Maria Isabelle Climaco-Salazar ang switch-on ceremony sa harap ng city hall kasama ang ibang local government officials.

Ang selebrasyon ngayong taon ay may temang ‘I love Zamboanga City’ kung saan naka-display ang 3,000 puso na nakakalat sa lahat ng landmarks ng lungsod.

Isang giant Christmas tree din ang nakatayo sa Paseo del Mar.

Naniniwala si Salazar na ang temang may kinalaman sa pag-ibig ay napapanahon lalo na sa kinahaharap na mga isyu ng bansa sa ngayon.

Hinikayat ng alkalde ang lahat ng mamamayan na mahalin lalo ang lungsod at magkaisa sa diwa ng Pasko sa kabila ng pagkakaiba-iba sa relihiyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.