UP napwersa ang do-or-die sa Adamson para sa huling slot sa Finals

Buhay pa ang tyansa ng University of the Philippines na makapasok sa finals ng UAAP Season 81 mens’ basketball tournament.

Ito ay matapos nilang talunin ang Adamson sa laban kahapon sa iskor na 73-71 sa Mall of Asia Arena at napwersa ang do-or-die match.

Gigil si Season 81 MVP Bright Akhuetie at nakapagpasok pa ng bola sa huling tatlong segundo ng laban dahilan para manalo ang Fighting Maroons.

Dikitan ang laban ng dalawang koponan sa first half na may iskor lamang na 29-28 pabor sa Falcons.

Para kay UP head coach Bo Perasol, ang panalo laban sa Falcons ay hindi madali ngunit ginawa ng kanyang mga manlalaro ang mga kinakailangan para sa larong ito.

Nanguna parasa UP si Paul Deisderio sa kanyang 19 points at eight rebounds.

Magaganap ang do-or-die match sa Miyerkules sa Araneta Coliseum at ang mananalo ay pasok na sa Finals ng UAAP.

Maglalaban naman ngayong araw ang Ateneo at FEU para sa huling final slot ngunit mayroong twice-to-beat advantage ang Blue Eagles.

Read more...