Mader Sitang, blacklisted na sa Pilipinas?

By Rhommel Balasbas November 25, 2018 - 02:17 AM

Inaprubahan na umano ng Bureau of Immigration (BI) ang paglalagay sa blacklist ng Thai internet sensation na si Mader Sitang.

Ito ay ang inihayag ng dating manager ni Mader Sitang na si Wilbert Tolentino sa isang presscon sa isang ententainment bar sa Roces, Quezon City.

Ani Tolentino, kasalukuyan nang pinoproseso ang paglalabas ng BI ng mga dokumento.

Giit ni Tolentino, nais na rin anya niyang kalimutang ang mala-bangungot na karanasan na ito kung saan umabot sa P20 milyon ang nalugi sa kanya.

Mistulang na-scam ng umano’y Thai sensation ang buong bansa matapos kumalat ang balita na isa itong abogado at tumulong pa sa mga Yolanda victims at nai-feature pa sa magazine show ni Korina Sanchez.

Hindi sinunod ni Mader Sitang ang mga kasunduan partikular sa pagiging endorser ng mga produkto ng UBC shopping at pagdemand pa nito ng karagdagang bayad mula kay Tolentino.

Samantala, nais na lamang anya kalimutan ni Tolentino ang nangyari at wala siyang planong kasuhan si Mader Sitang lalo’t hindi na anya ito makakapasok pa ng Pilipinas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.