LOOK: Truck lumusot sa bagong palitadang kalsada sa QC

By Rhommel Balasbas November 25, 2018 - 01:07 AM

Courtesy of MMDA Spox Celine Pialago

Halos kalahati ng isang 22-wheeler truck ang bumagsak sa kanal makaraang gumuho ang bagong palitadang kalsada sa Quezon City.

Sa isang Facebook post, sinabi ni MMDA Spokesperson Celine Pialago na naganap ang aksidente bago mag-alas-9:00 ng umaga sa N.S Amoranto, Banawe corner Retiro Streets sa lungsod Quezon.

Naglalaman ng buhangin ang trak na nakatakda sanang i-deliver sa Cavite nang mangyari ang aksidente.

Hindi naman nasaktan ang driver ng trak at wala ring ibang taong nagtamo ng injury.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente.

Sa comments naman sa post ni Pialago, isinisi ng netizens sa paggamit ng substandard na materyales ang pagkasira ng kalsada.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.