Carpio, pinag-iingat ang gobyerno sa pagbuo ng final agreement on oil exploration sa China

By Alvin Barcelona November 24, 2018 - 06:00 PM

Pinayuhan ni Supreme Court acting Chief Justice Antonio Carpio ang gobyerno ng Pilipinas na maging maingat sa pagbalangkas sa pinal na kasunduan para sa joint oil exploration sa bansang China.

Ginawa ito ni Carpio sa kabila ng pag-amin na ligtas naman ang nilagdaang memorandum of agreement ng Pilipinas at China para sa joint exploration noong bumisita sa bansa ni Chinese President Xi Jinping kamakailan.

Sa pagdalo nito sa isang forum sa University of the Philippines – Bonifacio Global City, sinabi nito na dapat tiyakin ng pamahalaan na hindi nito maipamimigay ang soberenya ng bansa sa China sa pinal na kasunduan.

Nagbabala si Carpio na kung maaagrabyado ang Pilipinas sa final agreement sa China, kahit ang Korte Suprema ay hindi ito mapipigilan.

Iginiit ni Carpio na anumang kasunduan na papasukin ng bansa sa China ito ay agad na magiging epektibo at walang hukuman ang  may hurisdiksyon sa China.

TAGS: China, joint oil exploration, philippines, Supreme Court acting Chief Justice Antonio Carpio, China, joint oil exploration, philippines, Supreme Court acting Chief Justice Antonio Carpio

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.