Lumabas na ang Bagyong Tomas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) pero pwede itong bumalik o muling pumasok sa bansa sa loob ng 12 hanggang 24 oras.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang Bagyong Tomas sa bahagi ng Aparri, Cagayan at tinatahak ang direksyong Northeast sa bilis na 15 kilometers per hour.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 145 kilometers per hour at bugsong 180 kilometers per hour.
Sinabi rin ng PAGASA na hindi inaasahan ang landfall ng bagyo at wala itong direktang epekto sa bansa.
Pero nagbabala ang PAGASA na mapanganib ang paglalayag sa Northern at Eastern seaboards ng Luzon at Eastern seaboard ng Visayas dahil sa hanging amihan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.