CHR, hinikayat ang gobyerno na imbestigahan ang karahasan sa Samar, Negros at Bicol

Imbis na magtalaga ng karagdagang sundalo, nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) sa gobyerno na aksyunan ang nagaganap na karahasan sa Negros, Samar at Bicol.

Sa isang pahayag, sinabi ni CHR spokesperson Jacqueline de Guia na kinakailangan ng masusing imbestigasyon sa mga karahasan.

Ito ay para mabigyan aniya ng hustisya ang mga biktima.

Aniya, posible pang tumindi ang tensyon at takot sa mga komunidad kung hindi agad aaksyunan ang problema.

Mayroon din aniya itong epekto sa karapatan at dignidad ng mga tao sa lugar.

Inilabas ni de Guia ang pahayag matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatalaga ng mas maraming sundalo sa Samar, Negros Oriental, Negros Occidental at Bicol.

Read more...