Patay ang isang motorcycle rider habang sugatan ang isa pa makaraang mabangga ng isang van sa Roxas Boulevard sa Maynila, Sabado ng umaga.
Nasawi ang isang rider na si Francis Jalandoni sa ospital habang sugatan naman ang isa pang rider na si Roderick Francis.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, tinatahak ng dalawang rider ang Lawton area mula Baclaran nang biglang mabangga ng isang van sa corner ng Pedro Gil Street.
Nakilala ang drayber ng van na si Reslee Salvatierra.
Dahil sa lakas ng impact, napuruhan si Jalandoni kung saan nagtamo ng head injuries at baling leeg.
Si Roderick naman ay nagtamo ng ilang sugat sa iba’t ibang parte ng katawan.
Ayon sa pulisya, mahaharap si Salvatierra sa kasong reckless imprudence resulting in homicide at physical injury.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.