Mas maraming sundalo, itatalaga sa mga lugar na posibleng kontrolin ng NPA sa 2019 polls
Mas maraming sundalo ang ipakakalat sa mga rehiyon na posibleng kontrolin ng mga komunistang grupo sa kasagsagan ng 2019 elections.
Sinabi ito ni Defense Secretary Delfin Lorenzana isang araw matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatalaga ng mas maraming sundalo sa Bicol, Samar at Negros provinces dahil sa umano’y “number of sporadic acts of violence” kamakailan.
Paliwanag ni Lorenzana, ito ang pag-kontrol ng New People’s Army (NPA) para hindi makapag-kampanya ang mga kandidatong hindi magbabayad sa kanila.
Maituturing na aniyang kritikal ang sitwasyon ng mga nasabing lugar sa panahon ng eleksyon.
Sa ngayon, sinabi ng opisyal na patuloy ang pagtutok ng militar sa sitwasyon sa iba pang lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.