Sex enhancing drugs, branded na alak atbp, nasabat sa panibagong inspeksyon sa bilibid

By Ruel Perez November 11, 2015 - 08:11 AM

12227846_924875230912369_165967271_o
Kuha ni Ruel Perez

Muling nagsagawa ng pag-galugad ang mga tauhan ng Bureau of Corrections sa maximum security compound ng New Bilibid Prisons (NBP).

Sa isinagawang pagsalakay, nasabat ang mga male sex enhancing drugs, mamahaling mga alak, TV, refrigerator at iba pa.

Iniutos naman ni Bucor Director Rainier Cruz na isailalim sa imbestigasyon ang dalawampung preso na nakuhanan ng mga bawal na kagamitan sa loob ng kanilang mga selda.

Maging ang mga simbahan at religious temple sa loob ng maximum security compound ng bilibid ay ininspeksyon din ng mga tauhan ng Bucor.

Sa loob ng isang Catholic chapel may mga nakumpiska na TV, refrigerator, at mga computer habang wala namang nakuhang bawal na gamit sa Buddhist Temple sa Carcel West ng Maximum security compound.

Sinabi sa Radyo Inquirer ni NBP Supt. Richard Schwarzkopf na magtutuloy-tuloy ang kanilang ginagawang pag-galugad sa mga kulungan sa bilibid. “Patuloy itong operations na gagawin natin we will see to it na mauubos itong mga kontrabando sa bilibid. Nasa 400 na kaming nagsasagawa ng pag-galugad, mano-mano pa rin ang ginagawa natin pero may mga nakukuha talagang mga bawal na bagay,” ayon kay Schwarzkopf.

Sunod na tinungo ng mga tauhan ng Bucor ang chapel ng Iglesia ni Cristo sa at iba pang mga dormitoryo sa Carcel West.

TAGS: Bucor inspects Bilibid, Bucor inspects Bilibid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.