Opisyal ng LTFRB kinastigo ng DOTr dahil sa “fake information”

By Jimmy Tamayo November 24, 2018 - 11:14 AM

Inquirer file photo

Inakusahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang board member nitong si Atty. Aileen Lizada ng pagpapakalat ng maling impormasyon kaugnay ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

May kinalaman ito sa inilabas na “unofficial copy” ng LTFRB Memorandum Circular 2018-022 (MC22) na ipinakalat ni Lizada sa media noong Huwebes.

Sa isang statement na pinost sa FB page ng DOTr,  inakusahan nito si Lizada ng pagpapakalat ng “false and malicious allegations” nang sabihin nito na hindi lehitimo ang MC22.

Sinabi pa sa statement na ilang beses nang binalaan si Lizada na huwag isasapubliko ang dokumento dahil hindi naman ito opisyal pero nanindigan umano ang opisyal na ipamahagi ang kopya sa media.

Tumanggi naman si Lizada na magbigay ng komento sa kalatas ng LTFRB at sinabing magtrabaho na lang at ituon ang atensyon sa interes ng mga mamamayan.

Laman ng nasabing memorandum circular na sasakupin ng “city operations” ang ilang mga bus na dating sakop ng provincial operations.

Kinabibilangan ito ng mga bus na galing sa Bulacan partikular na sa mga bayan ng Bocaue, Marilao, Meycauayan at Obando pati na ang lungsod ng San Jose Del Monte.

Para sa mga bus na galing sa Cavite at sakop ng memorandum circular ang Imus, bacoor, Dasmariñas, General Trias, Silang, Kawit, Noveleta at Cavite City.

Samantalang para sa mga bus na galing sa lalawigan ng Laguna ay sakop na ng city operations ang mga nagmula sa San Pedro, Biñan at Sta. Rosa City.

TAGS: city operations, dotr, lizada, ltfrb, pitx, city operations, dotr, lizada, ltfrb, pitx

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.