Mga residenteng nasalanta ng bagyo sa Jipapad, Eastern Samar, nauubusan na ng pagkain
Nauubusan na ng food supplies ang mga residenteng sinalanta ng Bagyong Samuel sa bayan ng Jipapad sa Eastern Samar.
Hindi maabot ng tulong ang naturang bayan dahil hindi madaanan ang mga kalsada dahil sa mga pagbaha at pagguho ng lupa na naganap dahil sa bagyo.
Ayon kay Eastern Samar Board Member Joji Montallana, nalubog sa tubig baha na umabot sa pitong metro ang mga relief goods na naka pre-position sa lugar.
Naputol din ang linya ng kuryente at komunikasyon sa kasagsagan ng delubyo.
Umaasa si Montallana na mayroong choppers na idedeploy upang magdala ng relief goods dahil gutom na ang mga mamamayan ng Jipapad.
Nasa 3,000 pamilya ang naninirahan sa bayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.